Verse 1 Alam kong marami akong pagkakamali Minsan napapalayo, minsan nakakasakit Pinaiyak kita, nasaktan kita Pero kahit kailan, hindi ka nagbago Hindi ako perpekto, alam ko 'yan Madalas akong magkamali, paulit-ulit Pero ikaw Rubina nananatili ka Tinatanggap mo ako, kahit sino pa ako Pre-Chorus Hindi ko deserve ang pagmamahal mo Pero ibinibigay mo pa rin nang buong-buo Sa bawat pagkakasala ko, handa kang magpatawad Sa bawat pagbagsak ko, ikaw ang nag-aangat Chorus Salamat Rubina, sa walang hanggang pagmamahal Salamat dahil pinapatawad mo ako palagi Kahit ilang beses kitang nasaktan Pinili mo pa ring manatili sa aking piling Hindi ko deserve ka, pero salamat mahal mo pa rin ako. Ilang beses kitang nasaktan Ilang beses kitang pinaiyak Pero Rubina hindi ka sumuko Pinili mo pa rin ako Salamat sa pagpapatawad Salamat sa pagtitiwala Kahit ako'y nagkakamali Mahal mo pa rin ako Rubina Bridge Pangako ko sa'yo, susubukan kong magbago Para sa'yo Rubina, para sa ating dalawa Dahil ang pagmamahal mo biyaya ito Hinding-hindi ko na sasayangin pa Outro Ikaw ang aking pagpapatawad Ikaw ang aking pag-asa Mahal na mahal kita, Rubina Salamat dahil hindi ka sumuko sa akin.....