Pahina

59

Nhạc được tạo bởi Joel bằng Suno AI

Pahina
v4

@Joel

Pahina
v4

@Joel

Lời bài hát
'Di na makausad 'di malinawan
'Di na mabura ang iyong mga larawan
'Di alam kung sa'n tutungo ang mga hakbang patalikod naghihingalo
Ang lapis na ginamit sa kuwento nating naudlot
Bawat buklat ng aklat binabalikan
Mga liham na ang laman ligayang dala
Ikaw lang ang may akda
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin
Patuloy kong panghahawakan ang 'yong mga salitang
Hindi na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata
Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula
Ating katotohana'y
Naging isang nobelang
Winakasan ng pagdududang
'Di na nalabanan
Nais na maramdaman muli
Kung pa'no isulat ang pangalan mo
Ngunit bawat letra'y mahirap nang iguhit
Dahil binubuo nila ang 'yong mga pangako
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin
Simula sa wakas na 'di matuklasan
Pabalik kung saan 'di na natagpuan
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
Simula sa wakas na 'di matuklasan
Pabalik kung saan 'di na natagpuan
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin
Patuloy kong panghahawakan ang 'yong mga salitang
Hindi na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata
Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
Pwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula
Simula sa wakas na 'di matuklasan
Pabalik kung saan 'di na natagpuan (ikaw at ikaw at ikaw pa rin)
Ang mga matang nakatanaw sa umpisa (sigaw ay sigaw ay)
Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
Phong cách âm nhạc
Rock, Electronic Rock

Bạn có thể thích

Bìa bài hát Уже не тот фасад
v4

Được tạo bởi Вера Кривошей Với Suno AI

Bìa bài hát Випадковість
v4

Được tạo bởi Артем Với Suno AI

Bìa bài hát Febrero
v5

Được tạo bởi emanuel leiva Với Suno AI

Bìa bài hát Konyhás
v4

Được tạo bởi Beatrix Wrábelné Với Suno AI

Danh sách phát liên quan

Bìa bài hát Bogyóka altató
v4

Được tạo bởi Alexandra Orsós Với Suno AI

Bìa bài hát شيري شيري ليدي
v4

Được tạo bởi Li Shiya Với Suno AI

Bìa bài hát Tws
v4

Được tạo bởi Imre Zsibók Với Suno AI