[Verse 1] Mayro'n akong nais malaman Maaari bang magtanong? Alam mo bang matagal na kitang iniibig? Matagal na akong naghihintay
[Pre-Chorus] Ngunit mayro'n kang ibang minamahal Kung kaya't ako'y 'di mo pinapansin Ngunit gano'n pa man, nais kong malaman mo Ang puso kong ito'y para lang sa'yo
[Chorus] Nandito ako umiibig sa'yo Kahit na nagdurugo ang puso Kung sakaling iwanan ka niya 'Wag kang mag-alala May nagmamahal sa'yo Nandito ako
[Verse 2] Kung ako ay iyong iibigin 'Di kailangan ang mangamba 'Pagkat ako ay para mong alipin Sa'yo lang wala nang iba